PARODY OF A TEACHER

PARODY OF A TEACHER

Tuesday, March 1, 2011

Suko na...

nakakatamad
nakakaantok
nakakapagod
nakakalugmok!

hay, bakit ganito
ang naging mundo ko?
paulit-ulit na lang
wala ng pagbabago!

nakakapikon
nakakabato
nakakalungkot
ang buhay na ganito!

gusto kong umiyak
gusto kong sumigaw
gusto kong mawala
gusto kong matunaw!

isa pa't ayoko na
isa pa't ako'y mawawala
isa pa't bibigay na
ang puso kong nawalan ng pag-asa!




No comments:

Post a Comment